Aklan Catholic College
Archbishop Gabriel M. Reyes St.
5600 Kalibo, Aklan, Philippines
TEACHER EDUCATION DEPARTMENT
______________________________________________________________________________
CLAIRE M. MAHUSAY
BEED 4 Professor
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 4
I. Mga Layunin
A. Naipapakita ang taus-pusong pagtulong sa kapwa.
B. Naisasagawa ag kaugaliang bayanihan sa pamayanan.
C. Natutukoy ang kahalagahan at paraan ng pagsasagawa ng kaugaliang bayanihan.
II. Paksang Aralin
A. Paksa : Pagtutulungan
B. Sanggunian: Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pp 238-240
C. Kagamitan: larawan, word search
III. Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Isulat ang tama o mali.
_______1. Pahalagahan ang mga kasangkapang ating ginagamit sa paggawa.
_______2. Maging masinop at maingat sa lahat ng kasangkapan.
_______3. Gumawa ng plano bago isagawa ang isang proyekto.
_______4. Sa bawat gawain, kinakailangan ang pagiging matiyaga.
_______5. Ang pagiging handa sa lahat ng bagay ay dapat isaalang-alang.
2. Pagganyak
Bumuo ng mga salitang may kaugnayan sa bayanihan, sa pamamagitan ng puzzle sa ibaba.
B. Panlinang na Gawin
1. Pagpapakita ng larawan ng Bayanihan.
Ano ang ipinakikita ng larawan?
2. Paglalahad ng tula “ Bayanihan”
Bayanihan
Ang bayanihan, di dapat kalimutan
Magandang kaugalian na ating nagisnan
Sa mga ninuno, at sa ating mga magulang
Atin naming ipamana sa darating na kabataan.
Likas na sa ating mga Pilipino
Ang maging matulungin sa kapwa tao
Pag may nangangailangan, di magdadamot
Tulong ay agarang ipinagkaloob.
Di ba’t hinahangaan nga ang mga Pilipino
Ng mga dayuhan sa ibayong dagat
“Bakit ganito ang mga taong ito
Tila pusod nila’y pinagbuhol na laso.”
Para bagang mga langgam ang mga taong iyan…
Tingnan mo kung gumawa walang patumangga
Di baling mapagod ang katawang lupa
Puso’t kaluluwa nama’’y busog sa paghanga.
3. Pagtatalakayan
Itanong ang mga sumusunod.
1. Mahalaga ba ang pagtutulungan sa ating sambayanan?
2. Ano ang damdamin ng taong nakakatulong sa kapwa niya?
3. Dapat bang ipagdamot ang iyong tulong?
4. Ang mga Pilipino ba ay likas na matulungin?
5. Ikaw ba ay matulungin din? Sa paanong paraan?
4. Pagbuo ng kaisipan
Ang pagtutulungan kahit kalian
Di dapat alisin sa puso ninuman
Pagkat ito’y daan tungo sa kaunlaran
Nang buong sambayanan.
5. Pagsasanay
Sabihin ang tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay makatotohanan, at Mali kung hindi
makatotohanan.
1. Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin.
2. Ang bayanihan ay ngayon lamang masasaksihan.
3. Mabuti sa tao ang nagtutulungan.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Bakit mahalaga ang pagtutulungan?
2. Paglalapat
Paano ka tumulong sa iyong kapwa?
Ikaw ba ay likas na matulungin?
IV. Pagtataya
Alin sa mga sitwasyon ito ang ngangailangan ng iyong tulong?
1. Walang maisagot sa kanyang sulatang pagsusulot ang iyong kamag-aaral.
2. Hindi maiangat ng isang batang mag-aaral ang knayang bag pababa sa hagdanan.
3. Hind makatawid ang lola sa kalsada.
4. May dumaang bulag na pulubi sa inyong tahanan.
V. Takdang Aralin
Nakakatulong ka na bas a iyong kapwa?
Isalaysay ang iyong tulong na nagawa.