KEMBAR78
Mapeh 3 Week 2 Day 1 4 | PDF | Malnutrition | Hunger
0% found this document useful (0 votes)
13 views89 pages

Mapeh 3 Week 2 Day 1 4

MAPEH

Uploaded by

jj3njj3njj3n
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
13 views89 pages

Mapeh 3 Week 2 Day 1 4

MAPEH

Uploaded by

jj3njj3njj3n
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 89

MAPEH

3
WEEKMUSIC
2 DAY 1
Ugnayang
Larawan, Tunog,
at Pahinga ng
Rhythmic Pattern
Balik –Aral
Anu-ano ang bumubuo sa isang rhythmic
pattern?
Isaayos ang scrambled na mga letra upang
makita ang angkop na sagot sa bawat patlang.
Ang rhythmic pattern ay binubuo ng mga tunog
na _____________(nrairingi) at tunog na
_____________(id nirarinig) na may iba’t-ibang
haba o tagal.
Isagawa ang hand clapping game na
“Boom Snap Clap”
Boom Snap Clap
(Awitin ng mabagal 2x)
Boom snap clap booboom snap clap booboom ssssssh
(Awitin ng mabilis 2x)
Boom snap clap booboom snap clap booboom ssssssh
Anu-anong kilos ang inyong isinagawa sa hand
clapping game?
Ano naman ang inyong gabay upang huminto sa
pagkilos?
Ang musika ay nabubuo kapag ang
tunog at katahimikan ay pinagsama.
Tunog-mga bagay na naririnig at
nararamdaman natin sa paligid at may
pulso.
Katahimikan- mga bagay na hindi
natin naririnig at walang tunog.
Ang panandang guhit na (I) ay
nagpapakita ng pulso ng tunog
samantala ang simbolong ay ginagamit
upang maipakita ang pahinga o walang
tunog na bahagi ng awit o tugtog.
Ang tagal o haba ng tunog at pahinga
ay mahalaga. Ito ay may sinusunod na
bilang o kumpas.
Mga kilos na ngpapakita ng ritmo o
pulso ng musika:

1. pagpalakpak 4. paglakad
2. pagtapik 5. pagchant
3. pagmartsa 6. pagtugtog ng
instrumento
Pumalakpak kung makikita ang simbolong (I)
at tumigil naman kung makikita ang
simbolong rest.
Lagyan ng angkop na stick notation (I) at
pahinga ang kahon sa ibaba ng bawat
larawan upang makabuo ng isang rhythmic
pattern.
Kumilos ayon sa sumusunod na rhythmic
pattern.
Anu-anong panandang guhit
ang ating ginamit sa ating
aralin upang maipakita ang
dalawang pangunahing
elemento ng musika?
Panuto: Piliin ang titik ng
tamang sagot.
_____ 1. Alin sa mga sumusunod
ang mga bagay na naririnig at
nararamdaman natin sa paligid?
A. tunog C. pahinga
B. katahimikan D. galaw
_____ 2. Anong panandang guhit o simbolo
ang iniuugnay sa katahimikan?

_____ 3. Ano ang kahalagahan ng mga simbolo


sa musika?
A. nagsisilbing gabay sa tamang pag-aawit
B. nagsisilbing gabay sa paglikha ng musika
C. c at b D. wala sa nabanggit
_____ 4. Alin sa mga sumusunod na kilos
ang nagpapahiwatig ng tunog?
_____ 5. Anu-anong pangunahing
elemento ang bumubuo sa isang
musika?

A. tunog at katahimikan C. pahinga


B. katahimikan D. staff at clef
KARAGDAGANG GAWAIN

Bakit kailangan nating


matuto sa pag-uugnay ng
iba’t-ibang mga simbolo o
panandang guhit sa tunog at
katahimikan?
THANK
YOU FOR
LISTENING
CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo,
and includes icons by Flaticon, and infographics & images by
Freepik
MAPEH
3
WEEK ARTS
2 DAY 2
Ilusyon ng
Espasyo
Balik –Aral
Isulat ang Tama
kung ang larawan
ay nagpapakita
ng laki ayon sa
distansiya at
Mali naman kung
hindi.
Masdang mo nang mabuti ang larawan.
Tuklasin kung paano ito ginagamitan ng
ilusyon ng espasyo.
Ipinapakita ang ilusyon ng espasyo sa pagguhit
ng mga bagay at mga tao na may iba’t ibang
laki o sukat. Ang paggamit nito ay isang paraan
na matutuklasan mo upang ipakita ang layo o
distansiya, at lalim at lawak ng likhang-sining.
Kung malayo mo titingnan ang isang bagay,
maliit itong tingnan. Malaki naman kung ito’y
malapit mong tingnan. Sa pagguhit, nabibigyan
halaga ito ng isang pintor gamit ang ilusyon ng
espasyo.
Pagmasdang mabuti ang larawan ng mga
punongkahoy na nasa itaas. Makikita sa
punongkahoy A ang distansiya hanggang
sa punongkahoy D. Nagpapahiwatig ito
na may iba’t ibang distansiya ang mga
punongkahoy. Matitiyak na malaki ang
sukat ng distansiya mula sa
punongkahoy A hanggang punongkahoy
B sapagkat ito’y malapit kung tingnan.
Katamtaman naman ang
distansiya ng punongkahoy B at C.
Ito ay nangangahulugan na di
masyadong malapit ang mga ito
kung titingnan. Pinakamalayo
naman ang distansiya ng
punongkahoy D mula sa guhit ng
punongkahoy A.
Sa iyong pagsusuri masasabi
mo ba na ang ilusyon ng
espasyo ay mahalaga sa
paggawa ng sining na
ikinaliligaya ng ating mga mata
at lubha natin itong
pahahalagahan?
Lagyan ng tsek(/)
ang loob ng kahon
kung ang larawan sa
bawat aytem ay
nagpapakita ng
distansiya mula sa
tumitingin at ekis
(X) naman kung
Lagyan ng bituin ( ) kung ang larawan ay
nagpapakita ng ilusyon ng espasyo, at buwan
( ) naman kung hindi nagpapakita ng ilusyon
ng espasyo.
Iguhit sa iyong sagutang papel ang mukhang
masaya ( ) kung ang larawan ay
nagpapakita ng ilusyon ng espasyo at
mukhang malungkot ( ) naman kung ito ay
hindi.
Sa isang sining, maliit ang
bagay kung malayo ang
distansya sa paningin at
malaki ang bagay kung
malapitan. Ito ay tinatawag na
ilusyon ng espasyo.
Panuto: Piliin ang titik ng wastong
sagot. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1. Alin sa mga larawan ang


nagpapakita ng ilusyon ng
espasyo?
2. Kailan masasabi na maliit ang
bagay sa paningin ng tao?
a. kapag ito ay malayo sa
tumitingin
b. kapag ito ay malapit sa
tumitingin
c. kapag ito ay makitid ang espasyo
3. Bakit ang larawan ng tao ay nagiging
malaki tingnan kapag ito ay malapitan?
a. dahil iginuhit ito ng malayo sa
tumitingin
b. dahil iginuhit ito ng malapit sa
tumitingin
c. dahil iginuhit ito ng walang espasyo
d. dahil iginuhit ito ng magkadikit
4. Ano ang binibigyang halaga sa
makabuluhang likhang sining?
a. larawan
b. ilusyon ng espasyo
c. sining
d. laki
5. Paano iginuguhit ang isang bagay na
malapit sa tumitingin?

a. kapag ito ay iginuguhit na maliit


b. kapag ito ay iginuguhit na malaki
c. kapag ito ay iginuguhit na malawak
d. kapag ito ay iginuguhit na makipot
Gumuhit ng isang komunidad.
Ipakita mo sa iyong guhit ang
ilusyon ng espasyo ng mga
larawang nakapaloob dito at
maglahad ka ng iyong sariling
opinyon sa dalawang pangungusap.
THANK
YOU FOR
LISTENING
CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo,
and includes icons by Flaticon, and infographics & images by
Freepik
MAPEH 3
Physical
Education
WEEK 2 DAY 3
Body
Actions
Balik –Aral
Ano-ano ang mga hugis at liny
ana naisasagawa ng katawan?
Paano ang umupo at tumayo
ng maayos?
Tingnan ang larawan sa bawat bilang.
Lagyan ng tsek (/) kung ang larawan ay
nagpapakita ng wastong pag-upo, paglakad
at pagtayo at ekis (X) kung hindi.
Ang paglalakad ay isa sa mga natural na gawain
at galaw ng ating katawan na halos ginagawa
natin araw-araw. Mayroon ding mga paraan
upang maging wasto ang ating paglalakad.
Madadala rin tayo ng paglalakad sa iba’t ibang
lugar na gusto nating puntuhan. Ang wastong
paggalaw ng katawan ay nakakapagbibigay ng
mabuting epekto sa kalusugan at
nakapagdedebelop ng tikas ng ating katawan.
Bukod dito, ang pagtayo ay isa sa mga
pangunahing natural na galaw na ginagawa
natin araw-araw. Ito ay suportado lamang ng
mga paa. Nakagagawa rin ng iba’t ibang
hugis ng katawan tulad nang straight body
shape (tuwid), wide body shape (malapad),
curled body shape (nakatiklop) at twisted
body shape (nakabaluktot).
Panghuli, ang pag-upo ay isang pangunahing
pagkilos ng tao at posisyon sa pamamahinga.
Ang bigat ng katawan ay suportado lalo nang
mga puwit sa pakikipag-ugnayan sa lupa o
isang pahalang na bagay tulad ng isang
upuan.
Mailalarawan mo ang mga kilos ng katawan na
ito ay wasto kung nakasusunod ito sa mga
minumungkahing tamang paraan sa
paglalakad, pagtayo at pag-upo.
A.Narito ang wastong paraan ng
paglalakad:

1. Ang dalawang paa ay dapat


nakaapak sa sahig.
2. Ang mga balikat at likod ay
dapat nakatuwid.
3. Dapat natural lang ang galaw ng
mga braso habang naglalakad.
4. Ang dalawang paa ay dapat
nasa sahig kaagad bago pa
humakbang ang isang paa para
lalakad ulit.
B.Narito ang wastong paraan ng pagtayo:

1. Ibigay ang iyong timbang sa iyong mga paa.


2. Panatilihing nakabaluktot kaunti ang iyong
tuhod.
3. Hayaan ang iyong mga bisig na nasa gilid
ng katawan.
4. Tumayo nang tuwid gamit ang iyong balikat
na hinila paatras.
C.Narito ang mga iba’t-ibang wastong paraan ng
pag-upo:

1. Itago ang iyong mga paa sa sahig o sa isang


talampakan kung hindi mo maabot ang sahig.
2. Ang iyong mga bukung-bukong ay dapat nasa
harap ng iyong mga tuhod.
3. Panatilihin ang isang maliit na agwat sa
pagitan ng likod ng iyong mga tuhod at sa harap
ng iyong upuan.
Magsanay lumakad, tumayo at umupo nang wasto sa
iyong bahay. Gawin ang sumusunod na direksyon at
ilarawan ang iyong ginawa sa pamamagitan ng
pagguhit ng masayang mukha kung nagawa mo ito ng
matagumpay at malungkot na mukha naman kung
hindi
Ang ating katawan ay maaaring
makakagawa ng iba’t ibang mga
pagkilos tulad ng paglakad, pagtayo
at pag-upo. Ang wastong paggalaw
ng katawan ay nakakapagbibigay ng
mabuting epekto sa kalusugan at
nakapagdedebelop ng tikas ng ating
katawan.
Ngayon ay iyong susubukin kung
magagawa mo ba ang sumusunod:
1. Maluwag at nakatiklop na katawan.
2. Matuwid ngunit nakabaluktot ang
katawan.
3. Nakatayo nang matuwid at ang mga
kamay ay nasa gilid.
KARAGDAGANG GAWAIN

Iguhit ang masayang mukha sa


patlang kung sa palagay mo ay
mabuti ang ipinapakita sa
sitwasyon at malungkot na mukha
kung ito ay di-nagpapakita ng
mabuti.
_________1. Ang ating katawan ay
maaaring makagawa ng iba’t
ibang mga pagkilos tulad ng
paglakad, pagtayo at pag-upo.
_________2. Ang pagtayo ay isa
lamang sa mga pangunahing
natural na galaw ng bawat tao.
_________3. Umupo sa parehong posisyon sa
mahabang panahon.
_________4. Nakatutulong ang mga hugis at
galaw ng katawan sa pagkakaroon ng mas
aktibong paglahok sa anumang pisikal na
aktibidad.
_________5. Ang isang paa ay dapat nasa
sahig para makalakad ulit.
THANK
YOU FOR
LISTENING
CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo,
and includes icons by Flaticon, and infographics & images by
Freepik
MAPEH 3
HEALTH
WEEK 2 DAY 4
Konsepto ng
Malnutrisyon
Balik –Aral

Ano ang nutrisyon? Ito ay


proseso ng pagbibigay natin
ng wastong pagkain sa ating
katawan upang tayo ay lumaki
at maging malusog.
Kulayan ang mga pagkain o
inumin na dapat mong
kainin/inumin upang ikaw ay
lumaki at maging malusog. Isulat
ang ekis (X) sa mga pagkaing
hindi dapat kainin/inumin.
Paano
mapapanatiling
malusog ang
katawan?
Ang malnutrisyon ay isang kondisyon
na sanhi ng hindi magandang
nutrisyon sa ating katawan dulot ng
kakulangan, hindi balanseng diyeta o
kaya’y hindi pagkatunaw ng mabuti ng
ating mga kinakain. Ang malnutrisyon
ay hindi lamang nangangahulugan ng
kakulangan o hindi balanseng diyeta.
Maaari rin itong mangyari sa tao
kapag sobra-sobra ang kaniyang
kinakain araw-araw. Kapag ang
isang tao ay nakararanas ng
alinman sa mga ito, maaaring
madali rin siyang dapuan ng iba
pang mga karamdaman.
Basahin ang tula.
1. Sino-sino ang mga batang nabanggit sa
tula?
2. Ano kaya ang ibig sabihin ng “sa pagkain
ay hindi pabibitin”?
3. Sino ang batang payat at sakitin? Bakit
siya sakitin?
4. Ano sa palagay mo ang dahilan ng
pagiging malusog at masayahin ni Ren-Ren?
5. Ano ang kanilang tanging
hiling?
6. Ano-ano ang dapat nilang
gawin upang maangkin ang
kanilang hiling?
Sumulat ng dalawa o
tatlong paraan kung
paano mo mapapanatiling
malusog ang iyong
katawan.
Sa isang malinis na
papel, gumuhit ng
isang batang malusog
at kulayan ito.
Ano ang malnutrisyon?
Ilarawan ang isang malusog na
bata.
Ilarawan ang isang batang
kulang ng sustansiya sa
katawan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa hiwalay na
sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa proseso ng pagbibigay
natin ng wastong pagkain sa ating katawan
upang tayo ay lumaki at maging malusog?
A. Pagkain
B. Nutrisyon
C. Ehersisyo
D. Malnutrisyon
2. Kung ikaw ay may kakulangan, sobra o hindi
balanseng nutrisyon sa pagkain ikaw ay makararanas
ng _________________.
A. Malnutrisyon B. Undernutrition
C. Overnutrition D. nutrisyon

3. Ang batang mahinang kumain o may kakulangan sa


pagkain ay makararanas ng ________________.
A. Malnutrisyon B. Overnutrition
C. Undernutrition D. nutrisyon
4. Si Josephine ay isang batang patpatin at sakitin. Ano
ang dapat niyang gawin upang maging malusog ang
kaniyang katawan?
I. Kumain ng masusustansiyang pagkain.
II. Kumain ng junk foods.
III. Magpuyat gabi-gabi. IV. Mag-ehersisyo araw-araw.
A. I and II B. II and III C. III and IV D. I and IV
5. Ang batang malusog ay ___________________.
A. payat at sakitin B. mataba at sikat
C . mataba at mabigat
D. katamtaman ang katawan at masigla
6. Alin sa mga sumusunod ang
hindi nagbibigay ng wastong
nutrisyon sa ating katawan?
A. isda, karne, at itlog
B. hotdog, kendi at chips
C. gulay, prutas at kanin
D. gatas, keso, at butter
7. Sino kaya sa mga sumusunod na bata ang
may wastong nutrisyon?
A. Si Archie na mataba, bibo, at sikat sa
klase.
B. Si Bea na payat, mahina, at laging tulog
sa klase.
C. Si Ruby na mataba, tamad, at laging kain
ng kain sa klase.
D. Si Raquel na may katamtamang laki ng
8. ________________ ang tawag sa
batang sobra-sobra ang kinakain
at may sobrang bigat ng timbang.
A. Undernourished
B. Overnourished
C. Malnourished
D. Well-nourished
9. Ang undernourished na bata ay
________________.
A. malusog at aktibo
B. mataba at malakas kumain
C. payat at kulang sa pagkain
D. katamtaman ang laki ng
katawan at masigla
10. Ang sumusunod ay ilan sa mga paraan
kung papaano natin mapananatiling malusog
ang ating katawan, maliban sa _________.
i. kumain sa tamang oras
ii. kumain ng masusustansiyang pagkain
iii. kumain kung kalian mo gusto
iv. kumain kahit busog pa
A. i and ii B. ii and iii
C. iii and I D. i and iv
KARAGDAGANG GAWAIN
Isulat sa sagutang papel kung Tama o
Mali ang mga sumusunod na
pangungusap.
___________ 1. Ang pagiging mataba o
obese ay maaaring magdulot ng mataas
na blood pressure o pagtaas ng
cholesterol na maaaring magdulot ng
heart disease sa isang tao.
___________ 2. Ang taong hindi marunong
mag-alaga sa kaniyang kalusugan, ay
parang isang mekanikong hindi
marunong mag-alaga sa kaniyang
kasangkapan.
___________ 3. Ang malnutrisyon ay isang
kondisyon na nagreresulta mula sa
kakulangan sa nutrisyon o labis na
___________ 4. Ang kakulangan sa
mahahalagang sustansiyang sangkap
ay hindi makahahadlang sa wastong
paglaki at pagsulong ng bata.
___________ 5. Hindi sinisira ng
malnutrisyon ang katawan ng isang
bata.
THANK
YOU FOR
LISTENING
CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo,
and includes icons by Flaticon, and infographics & images by
Freepik

You might also like